GMA-7 has "Survivor," ABS-CBN has "Fear Factor"

Tuesday, April 29, 2008

As of today, schedule pa lang ng series of auditions sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang naka-announce sa website ng biggest reality show na nasa Pinas na. Wala pang clue kung kanino ibibigay at kung sino ang pipiliin ng GMA News and Public Affairs bilang host nito.




Nang ma-interview si Paolo, hanggang May na lang sa ere ang Tok.Tok, Tok!, pero ibabalik daw sa September. Wala pang bagong show na ino-offer sa kanya ang GMA-7 at mag-i-expire na rin ang kontrata niya. Hindi naman kaya ipapahinga ang Tok,Tok, Tok ay dahil siya ang magho-host sa Survivor Philippines?


In fairness, sanay na si Paolo sa pagho-host ng reality show, dahil sa Extra Challenge na the whole time nasa ere ay siya ang host. Sanay na rin siya sa physical and mental challenges na pagdadaanan ng 16 castaways na mapipili ng Survivor Philippines for 39 days.



Samantala, nabalitaan na kung ang Channel 7 ang nakakuha ng Survivor franchise para sa Survivor Philippines, ang ABS-CBN naman daw ang nakakuha ng franchise ng Fear Factor. Wala pa nga lang official announcement tungkol dito at balak sigurong gulatin ng Dos ang mga Pinoy, lalo na ang viewers ng Fear Factor.




In fact, may mga isinabmit na raw na pangalan at may mga talent manager nang nagla-lobby sa Dos para ang talent nila ang kuning host ng Fear Factor. Maganda sana, kung magkakasabay ang airing ng Survivor Philippines at Fear Factor, kaso mukhang mauuna ang Survivor Philippines, dahil naghahanap na sila ng magiging contestants. Pero, puwedeng-puwede pang humabol ang Channel 2 sa kanilang Fear Factor, dahil kung titingnan ang audition schedules ng Channel 7 for Survivor Philippines, buong May ito at posibleng sa July pa ito ipalalabas.


Isa pang magiging exciting sa dalawang local reality shows ay kung ang magkaibigang Paolo Bediones at Ryan Agoncillo ang magho-host. Si Paolo for Survivor Philippines at si Ryan for Fear Factor.




Technorati :

Del.icio.us :

Zooomr :

Flickr :

0 comments: