Mula sa isang mapagkakatiwalaang source ay nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal na si Paolo Bediones ang napili ng GMA News & Public Affairs to host Survivor Philippines. Pabulong pang binanggit ng source, na konektado sa News & Public Affairs ng GMA-7, sa PEP ang pangalan ni Paolo host at may kasamang reminder na huwag siyang tukuying source. This weekend pa lang daw kasi ito ia-announce ng Kapuso network.
Noong una, kasama lang si Paolo sa shortlist ng pinagpipilian para mag-host ng biggest reality show na dumating sa bansa. Pero hindi na sinabi ng aming source ang pangalan ng iba pang pinagpilian. Ang magandang record ni Paolo bilang host ng Extra Challenge at Tok, Tok, Tok! Isang Milyon Pasok ngayon ang tiyak nagbigay ng edge para siya ang mapili.
Ito marahil ang dahilan kaya siguro ititigil muna pansamantala ng GMA-7 ang Tok, Tok, Tok! para makapaghanda si Paolo sa Survivor Philippines na madugo sa lahat ng aspeto.
Sigurado rin ang source ng PEP na kung totoo mang may offer na show ang ABC-5 kay Paolo, hindi nito matatanggap dahil sa demand ng Survivor Philippines. Balita kasing magkakaroon ng malaking pagbabago sa ABC-5 sa mga darating na buwan at kakailanganin nilang makakuha ng malalaking talents, at isa nga si Paolo sa sinusubukan nilang kunin.
The last time na-interview ng PEP si Paolo, wala pa siyang matukoy na bago niyang show after Tok, Tok, Tok!. Hindi pa nga niya alam that time kung ire-renew ng Kapuso network ang kanyang kontrata na magtatapos sa September this year.
With Survivor Philippines, wala nang dapat ikabahala si Paolo. Wala na ring rason para lumipat siya ng ibang network gaya ng napabalita noon.
"August" ang sagot ng source nang tanungin naming kung kailan magsisimula ng Survivor Philippines. Hindi lang nito nalinaw kung simula ng taping yun o simula ng airing. Ang sigurado, sa May na ang simula ng audition all over the country para hanapin ang 16 castaways na haharap sa intense mental and physical challenges na tatagal ng 39 days.
Binanggit din ng source sa PEP kung saan ang taping ng Survivor Philippines, pero ipina-off-the-record muna niya ito. Basta hindi sa Pilipinas ang taping na siguradong ikare-react ng marami dahil ini-expect nilang ang undiscovered places ng bansa ang magiging location.
0 comments:
Post a Comment